Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
Nation
CSC: 288 sa 297 kadete ng PMA pumasa sa civil service exam
Ryan Ponce Pacpaco
Jun 18, 2023
611
Views
NAKAPAGTALA ng 97 porsyentong passing rate sa civil service examination ang mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA).
Ayon sa Civil Service Commission, pumasa ang 288 sa 297 kadete na kumuha ng pagsusulit noong Marso 26.
Hiniling ng PMA sa CSC na pakuhanin ng pagsusulit ang kanilang mga kadete upang masubok ang kakayanan ng mga ito.
Ang pagpasa sa pagsusulit ay kailangan para maging permanente kung ang mga kadete at papasok sa civil service
Ang national passing rate ng civil service exam ay 16.88 porsyento.

