Calendar
Nagsagawa ng imbentaryo ang mga tauhan ni Police Lt. Col. Rommel Anicete, hepe ng MPD Baseco Police Station 13, matapos matimbog ang isang obrero at masabat ang 25 gramo ng shabu sa Baseco Compound, Port Area, Manila.
Dahil sa droga, lalaki huli sa Maynila
NATIMBOG ng mga pulis ang lalaki na may dalang 25 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000 sa buy-bust sa Block 1, Gasangan, Baseco Compound, Port Area, Manila, noong Lunes.
Nakilala ang suspek na si alyas “Ramon,” 51, ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete.
Nahuli nina PLt. Mark Jason Ramos sa pangangasiwa ni Anicete, hepe ng Baseco police precinct, ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang buy-bust money at shabu, ayon sa report.
Natiklo ang suspek katuwang ng mga tauhan ng PNP Maritime Law Enforcement Team (MLET) na binubuo nina PSSg. Kevin Tan, PCpl. Doven Taño at PCpl. John Raphael Remolar.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa suspek na ihahain sa Manila City Prosecutor’s Office.

