Calendar
Dayuhang vlogger kalaboso sa paninigaw, pambabastos
KALABOSO ang foreign vlogger ng mag-eskandalo at bastusin ang babaeng area manager sa mall sa Taguig City noong Lunes.
Inaresto ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang Ivorian national na si alyas Jeovani, 30, makaraang humingi ng police assistance ang mga security personnel ng mall dahil sa ginagawang pambabastos ng suspek.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-11:15 ng umaga nang bigla na lang pagsisigawan ng dayuhang vlogger ang biktima na lumabas lang sa kanyang tanggapan at akusahan na kinukuhanan siya ng video ng walang permiso.
Sa kabila ng pagtanggi ng biktima sa akusasyon, patuloy pa rin siyang sinisigawan ng dayuhan at hindi inalintana ang pagpapakalma sa kanya ng mga security personnel.
Dito na nagpasiyang humingi na ng tulong sa Fort Bonifacio Police Sub-Station -1 ang mga sekyu na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na mahaharap sa kasong unjust vexation at light threat sa Taguig City Prosecutor’s Office.
