Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Ilog

Delivery rider na di binigyan ng pera ng nanay, tumalon sa ilog para magpakamatay

Edd Reyes Jan 14, 2026
349 Views

TINANGKANG magpakamatay ng 22-anyos na delivery rider nang magtampo matapos mapagalitan ng kanyang ina sa muling paghingi umano ng pera araw ng Martes sa Valenzuela City.

Sakay ng kanyang motorsiklo, nagtungo ang binata sa Polo Bridge sa M. H. Del Pilar, Barangay Poblacion, alas-8:30 ng umaga at mula doon ay tumalon sa malalim na ilog sa pagnanais na wakasan na ang kanyang buhay.

Nasaksihan naman ng isang testigo ang pagtalon ng binata kaya kaagad na humingi ng tulong kay P/Capt. Doddie Aguirre, hepe ng Polo Police Sub-Station-5, upang masagip ang biktima.

Pagdating nina P/SSg. Reileto Jasa at Pat. Keanu Colis sa lugar ay nakita nila ang binata sa gilid ng ilog kaya pinagtulungan nila itong i-ahon hanggang tuluyang mailigtas.

Sinabi ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento na nahimasmasan at nagbago ang isip ng binata nang sumayad ang katawan sa ilog, kaya nagpilit na lumangoy hanggang makarating sa gilid kung saan siya tuluyang nailigtas ng pulisya.