Calendar

Docs on Wheels inilunsad ng Pinoy Ako
INILUNSAD ng Pinoy Ako Partylist ang “Docs on Wheels” program na,layong magbigay ng medical services sa indigenous communities at mga malalayong lugar ganit ang Mobile Medical Clinic.
Sa idinaos na campaign sortie sa Morong, Rizal, sinabi ng Pinoy Ako na ang natirang inisyatiba ay konkretong tugon sa mayagal nang problema sa kakulangan sa access sa serbisyong kalusugan ng maraming pamilyang Pilipino hindi lamang ang mga miyembro ng indigenous communities kundi maging ang mahihirap na pamilya na naninirahan sa bulubunduking mga lugar.
“The primary objective of this program is to deliver sufficient and contemporary healthcare services to indigenous populations,” ayon sa Pinoy Ako.
Ayon sa Pinoy Ako, mahalaga ang naturang programa lalo at matagal nang kapos ang mga health facilities ng pamahalaan para sa nasabing mga komunidad.
“By addressing this gap, the program seeks to ensure that indigenous individuals have access to the medical care they need and deserve,” ayon pa sa grupo.
Sa ilalim ng programa, gagamit ng specially designed vans na mayroong mga doctor, nurse, at may medical equipment para sa libreng check-ups, minor treatments, at basic laboratory procedures.
Ang “Docs on Wheels” ay bahagi ng misyon ng Pinoy Ako para mailapit sa publiko ang serbisyobg pangkalusugan.
Ipatutupad ang proyekto sa pakikipagtulungan sa local health units, barangay health workers, at volunteer medical professionals.
Bahagi din ng programa ang pagkakaloob ng libreng gamot, vitamins, bakuna sa mga bata, maternal care, at information drives para makaiwas sa iba’t ibang sakit.
Pangunahing prayoridad ng Pinoy Ako ang maabot ang iba’t ibang rehiyon sa bansa at mapakinabangan ng indigenous people at ng mga naninirahan sa remote areas ang serbisyong hatid ng programa.