Baco

Dolor pinangunahan pagpapasinaya ng multi-purpose bldg sa Baco

Helen D. Prado Jan 11, 2026
288 Views

OR. Mindoro-Pinasinayaan ang P3.1M halaga ng bagong ulti-purpose building sa Dulangan II sa bayan ng Baco ngayong nitong Sabado ika-10 ng Enero.

Pinangunahan ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor kasama si Unang Ginang Hiyas Govinda Ramos-Dolor ang ribbon-cutting ng gusali.

Magsisilbi itong pandayan ng karunungan ng kanilang mga Day Care pupil at magsisilbing bahay-pulungan naman ang kabilang bahagi nito ng mga pangunahing mamamayan ng kanilang barangay.

Bukod dito, ipinangako rin ni Gob. Dolor ang pagkakaloob ng kumpletong gamit ng daycare at senior citizens tulad ng upuan, lamesa, lutuan at iba pa upang hindi  na problemahin ng barangay ang pambili nito.

Dahil dito, lubos na pasasalamat ang ipinahayag ni Kapitan Renato G. Pastrana kay Gobernador Dolor dahil sa aniya’y maagang biyaya ngayong taon sa kanilang barangay.

“Kapag may kailangan ang inyong barangay, andito lang si Gobernador Bonz, handang tumulong at umagapay,” ang mensahe ng Punong Lalawigan.

Sumaksi sa gawain si Baco Vice Mayor Eric Castillo, kasama ang iba pang konsehal ng bayan at buong Sangguniang Barangay ng Dulangan II.