NAIA

DOTr, MIAA nakatanggap ng unsolicited proposal para ayusin NAIA

122 Views

MAYROONG natanggap na unsolicited proposal ang Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) mula sa Manila International Airport Consortium para sa operasyon at maintenance ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pag-aaralan umano ng DOTr at MIAA proposal alinsunod sa Build-Operate-Transfer (BOT) law at Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Anuman umano ang magiging desisyon, sinabi ng dalawang ahensya na kanilang titiyakin na ito ay magreresulta sa mas magandang serbisyo sa NAIA.