DPPA

DPPA Isinagawa ng PRO 4A

44 Views

DPPA1DPPA2

GINANAP sa Police Regional Office (PRO)-4A ang Daily PNP Personnel Accounting (DPPA) na inorganisa sa Camp Vicente Lim sa Calamba City at dinaluhan ng mga tauhan ng PRO 4A.

Layunin ng DPPA na palakasin ang disiplina sa organisasyon, espirituwal na pag-unlad at kamalayan sa operasyon ng mga pulis.

Naghatid ng ispirituwal na mensahe si Rev. Fr. Junie Austero ng MBK Philippines.

Inilahad ng tanggapan ang mga alituntunin ng PNP tungkol sa pagbabawal sa paggamit ng mga mobile phone at iba pang kaugnay na gadgets sa panahon ng patrulya at operasyon ng pulisya.

Para sa hepe ng Regional Operations Division ng PRO 4A na si P/Col. Feloteo Gonzalgo, mahalaga ang may takot sa Diyos at may prinsipyo na pulis.

Hinihikayat din niya ang lahat na ipakita ang pagiging propesyonal sa lahat ng aspeto ng kanilang tungkulin.

Lumahok din ang mga tauhan ng PRO 4A sa “Pulispreneur,” isang inisyatiba na nagpapakita ng kasanayang pang negosyo para sa mga tauhan ng PRO 4A.