Paolo Ortega V

DS Ortega umalma sa malawakang mga paninira sa Kamara

266 Views

PINALAGAN ni Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V nitong ang mga iresponsableng mga alegasyon na nilalahat ang mga miyembro ng Kamara de Representantes sa halip na partikular na tukuyin kung sino ang kongresista na kanilang inaakusahan.

Sinabi ni Ortega na hindi makatarungan na nilalahat ang buong Kamara dahil nagdudulot ito ng pagdududa sa buong institusyon at nakakasira sa integridad ng mga miyembro nito kahit walang kinalaman sa inaakusa.

Iginiit ni Ortega, na nagsilbi ring miyembro ng House Quad Comm noong 19th Congress, na ang pagiging patas ay kailangan ng pagiging tiyak at pagtalima sa due process lalo na sa paglalatag ng mga seryosong usapin.

“As fellow public servants, we share the responsibility of upholding accountability while protecting the integrity of our institutions. Ang pakiusap lang natin—let us be clear and fair, so that innocent members are not placed under suspicion,” ani Ortega.

Binigyang-diin niya na anumang usapin ay dapat suportado ng ebidensya at isinudulog sa tamang paraan, sa halip na gawan ng pagdududa sa buong lehislatura.

“Reputation must be separated from proof. If there are issues, let them be addressed in the proper forum with names, facts, and documents. Huwag nating hayaang madamay ang buong institusyon dahil lamang sa malawak na pahayag,” giit ni Ortega.

Dagdag pa ng Deputy Speaker, na nagsisilbi ang mga mambabatas ng tapat at ng buong puso sa kanilang mga Distrito at hindi dapat \ maapektuhan ng mga pangkalahatang batikos.

“Marami sa ating mga kasamahan sa Kongreso ang tapat na naglilingkod sa kanilang mga distrito. They should not be unjustly affected by generalized criticism. Fairness demands that we separate the actions of a few from the reputation of the whole,” dagdag pa niya.

Sa huli, muling tiniyak ni Ortega na nananatiling matatag ang paninindigan ng Kamara para sa transparency, pananagutan, at paglilingkod sa sambayanang Pilipino.