Dy

Dy namahagi ng educational aid para sa 4,636 mag-aaral sa Isabela

Mar Rodriguez Nov 21, 2023
163 Views

Dy1Dy2Dy3Dy4PINANGUNAHAN ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy V ang pamamahagi ng “educational assistance” para sa 4,636 estudyante mula sa Cauayan City sa lalawigan ng Isabela.

Sinabi ni Dy na puspusan ang kaniyang pagsisikap na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga mag-aaral sa kanilang lalawigan. Kabilang na dito ang pagbibigay nito ng suporta sa kanilang paaralan sa pamamagitan ng pagsusulong nito ng mga proyekto at iba’t-ibang programa.

Pinasalamatan din ni Dy si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa walang sawang suporta na ipinapakita at ipinagkakaloob ng Punong Ehekutibo para sa kaniyang lalawigan kabilang dito ang suportang ibinibigay ng pamahlaan para sa mga mag-aaral ng nasabing lalawigan.

“Hindi po ito magiging possible kung hindi dahil sa walang sawang suporta ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. at dahil rin sa kaniyang taos pusong suporta para sa mga estudyante ng Isabela. Nagpapasalamat tayo ng husto sa ating mahal na Pangulong Marcos, Jr.,” sabi ni Dy.

Bukod sa Pangulong Marcos, Jr., pinasalamatan din ng kongresista si House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez bunsod naman ng suportang ipinagkakaloob ng Kamara de Representantes para sa mahigit 4,636 estudyante ng Cauayan City. Kabilang na ang tulong pinansyal na ibinigay naman ng Department of Social Welfare anf Development (DSWD).