Calendar
Larawan: University of Makati/FB
Estudyante, 17, natagpuang tigok sa loob ng Umak
NADISKUBRE ang wala ng buhay na katawan ng 17-anyos na estudyante sa loob ng compound ng University of Makaty (UMak) Biyernes ng umaga sa Taguig City.
Dakong alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ng nagrorondang security guard na si alyas “Evy” ang estudyante na nakahiga sa tabi ng generation set sa loob ng compound ng unibersidad na nasa J.P. Rizal Ext. Brgy. West Rembo kaya’t kaagad niya itong ipinaalam sa kanilang security officer.
Nang magresponde ang mga tauhan ng Taguig Police Sub-Station 11, hiniling nila ang tulong ng isang doktor na siyang nagkumpirma na wala ng buhay ang estudyante.
Nagsagawa naman ng ocular inspection at teknikal na pagsisiyasat ang mga tauhan ng Southern Police District (SPD) Forensic Unit upang alamin ang sanhi ng pagkasawi ng biktima.
Sa pahayag ng pamuuan ng UMak, nakipag-ugnayan na sila sa pamilya ng estudyante at hiniling na rin sa publiko na irespeto ang pribadong buhay ng pamilya ng biktima at iwasang magpakalat ng espekulasyon o hindi kumpirmadong detalya sa social media.
Nagpahatid na rin ng pakikidalamhati ang pamunuan ng unibersidad sa pamilya ng nasawing estudyante.

