Statement

Estudyante,13, sinaksak ng kaklase sa paaralan, tigok

Edd Reyes Aug 1, 2026
36 Views

DEDO ang 13-anyos na high school student nang tarakan ng saksak ng 14-anyos na kaklase sa loob ng Las Piñas National High School, Biyernes ng hapon..

Patay na nang idating sa Las Pinas District Hospital ang Grade 8 na biktimang si alyas “Ado”, sanhi ng tinamong tama ng saksak sa sa kaliwang dibdib habang nadakip naman ng pulisya ang suspek na si alyas “MJE” na kabilang sa Child in Conflict with Law {CICL}.

Sa inisyal na impormaayon, nagkaroon uma o ng alitan ang dalawa sa oras ng kanilang recess hanggang kumuha ng balisong ang suspek at itinarak sa kaliwang dibdib ng biktima.

Napag-alaman sa impormasyon na inorder umano sa online ng suspek ang dalang balisong na naipasok sa paarala at hindi na-detect ng security guard ng paaralan.

Wala pang inilalabas na ulat ang pulisya sa pangyayari dahil patuloy pa ang isinasagawang imbeatigasyon.