Lacuna

Evacuees sa Manila dahil sa bagyo umuuwi na

Edd Reyes Oct 26, 2024
37 Views

SINABI ni Manila Mayor Honey Lacuna noong Sabado na marami ng lumikas na pamilya ang bumalik na sa kanilang mga bahay pero may mga nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

“How long they stay is up to them. We will continue to give them food and medicines while they are in our care,” sabi ni Mayor Lacuna.

Hanggang tanghali ng Biyernes, ang Baseco at Delpan evacuation centers na lang ang marami pang occupants.

“The rest are down to a few. The numbers are expected to dwindle this weekend as the situation returns to normal in the barangays,” dagdag pa ng alkalde.

Bukod sa pamamahagi ng pagkain at mga gamot, nagtalaga rin si Mayor Lacuna ng medical team sa mga evacuation centers upang masuri ang kalagayang pangkalusugan ng mga lumikas na pamilya.

Sa ulat ng hepe ng Manila Public Information Office (MPIO) na si Atty. Princess Abante, umabot sa 1,646 na pamilya at pitong indibidwal ang apektado ng bagyong Kristine sa Maynila.

Iniulat naman ng Manila Department of Public Services (DPS) na umabot sa 244 metriko tonelada ng mga basura na dala ng bagyo ang nahakot ng waste management crews.