Feeding-program

Feeding program sa LP 700 bata nabusog

Edd Reyes Jun 15, 2025
18 Views

MAHIGIT 700 mga bata ang nabusog sa Las Piñas sa ginanap na auxiliary feeding program sa iba’t-ibang lugar sa Pamplona Tres.

Inilunsad ang programa ng City Nutrition Office bilang bahagi ng pagnanais ng lokal na pamahalaan na labanan ang malnutrisyon at suportahan ang kalusugan ng mga kabataan.

Inihanda ng City Nutrition Office sa tulong ng mga barangay nutrition workers ang mga pagkain tulad ng pork adobo na kinagiliwan ng mga bata.

Dumalo sa naturang kaganapan si Mayor-elect April Aguilar na tumulong sa pamamahagi ng pagkain at nakisalamuha sa mga residente.

Ipagpapatuloy ng City Nutrition Office ang feeding program sa iba’t-ibang barangay upang mapalawak ang layunin na matiyak na makakain ng masustansiyang pagkain ang mga bata at mga pamilyang nangangailangan.