Bride

Fiance ng nawawalang bride makikipagtulungan sa otoridad

348 Views

NAUUNAWAAN umano ng fiancé ng nawaalang bride kung bakit siya tinukoy bilang person of interest ng mga awtoridad.

Sa isang pahayag, sinabi niyang handa siyang makipagtulungan nang lubusan kung makatutulong ito sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Ayon pa sa kaniya nakatutok siya sa pag-usad ng imbestigasyon at patuloy ang paghahanap sa kaniyang bride na si Sherra De Juan na biglang naglaho noong Disyembre 10, ilang araw bago ang nakatakdang kasal nila nitong Disyembre 14.

Aniya, wala siyang hinanakit sa mga awtoridad at naiintindihan niya ang pangangailangan para sa masusing pagtatanong.

“Okay lang po sa akin. Basta gumulong ang imbestigasyon at masiguro yung paghahanap para sa mahal,” giit ni Reyes.

Muli namang nilinaw ng QCPD na ang isang person of interest ay hindi awtomatikong itinuturing na isang suspek.

“Yung po kasi ang explanation natin diyan… siya ang huling ka text. Hindi siya suspect. Ibig sabihin siya yung kasama siya huling tinext. Baka meron pa siya alam,” ayon sa pulisya.

Nanindigan ang mga awtoridad na ang lahat ng mga lead ay maingat na sinusuri, kabilang ang CCTV footage at digital na ebidensya na naka-link sa panghuling aktibidad ni Sherra.

Umaasa naman ang mga kaibigan at kamag-anak ng bride-to-be na ligtas itong makababalik sa kaniyang pamilya.