Fixed na sweldo, benefits para sa brgy workers itinulak ni Ejercito

37 Views

ITINULAK ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito noong Huwebes ang fixed salaries at standard benefits para sa mga opisyal ng barangay at iba pang frontliner sa komunidad.

May ilan umanong tumatanggap lamang ng P500 kada buwan o bigas sa halip na cash, ayon sa senador.

Ginawa ni Ejercito ang panawagan sa pagdinig ng Senate Committee on Local Government sa mga panukalang Magna Carta for Barangays.

Sinabi niyang hindi malulutas ang matagal nang usapin sa fixed compensation kung walang matatag na mapagkukunan ng pondo para sa anumang sahod at benepisyong maaprubahan ng Kongreso.

Ayon kay Ejercito, may ilang barangay worker na maliit na honorarium lamang, o bayad para sa kanilang serbisyo, ang natatanggap, habang ang iba ay binibigyan ng bigas sa halip na cash.

“We know that true service is priceless, but I want to ensure that our community frontliners receive adequate and fair benefits,” sinabi ni Ejercito.

Ang panukalang Magna Carta for Barangays ay magtatakda ng pamantayan para sa mga karapatan, benepisyo at kondisyon sa trabaho ng mga opisyal ng barangay at iba pang frontliner sa komunidad.