Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Lalaki, 60, nasukol sa nabigong pagtsugi
Oct 31, 2026
Calendar
First Lady Liza Marcos naiyak sa kuwento ng rescuer na namatayan ng pitong kaanak dahil sa bagyong Kristine.
Source: Liza Marcos Facebook
Nation
FL Liza Marcos naiyak sa rescuer na namatayan ng 7 kaanak dahil kay ‘Kristine’
Chona Yu
Nov 11, 2024
444
Views
HINDI naiwasan ni First Lady Liza Marcos na maiyak habang kausap ang isang rescuer na namatayan ng pitong kaanak dahil sa bagyong Kristine.
Sa pagbisita ni First Lady Liza Marcos sa Talisay, Batangas, niyakap nito ang rescuer na si Edwin Mendoza nang mabatid na marami sa kanyang kaanak ang namatay.
Habang abala si Mendoza sa pag-rescue sa mga binaha ng bagyo, kasabay naman ang pagkawala ng pitong kaanak.
Binigyan ni First Lady Liza Marcos ng P250,000 na ayuda si Mendoza.
Patuloy pang pinaghahanap ang anim ng nawawalang kaanak ni Mendoza, kabilang na ang tatlong kapatid, dalawang pamangkin at bayaw.
Nagtungo si First Lady Liza Marcos sa Talisay para mamahagi ng ayuda.

