Calendar
Si Dr. Jose Antonio Goitia ang chairman emeritus ng apat na makabayang organisasyon–ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI) at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.
Goitia: PBBM walang kasalanan sa kontrobersya sa budget’
BINATIKOS ni Dr. Jose Antonio Goitia, chairman ng apat na grupo, ang mga paratang ni Arnedo Valera na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang dapat sisihin sa mga kontrobersiya sa budget.
Para kay Goitia, hindi lang panlilinlang ang paratang kundi hayagang kasinungalingan laban sa Konstitusyon.
“Malinaw ang sinasabi ng Konstitusyon. Nasa House of Representatives nagsisimula at tinatapos ang lahat ng appropriation bills. Ang Kongreso ang gumagawa, nagdedebate at pumapasa ng budget, kasama ang lahat ng insertions.
Kung may anomalya, sila ang dapat unang managot. Ang pagsisi lahat sa Pangulo ay hindi lang mali, kundi insulto sa prinsipyo ng separation of powers,” ayon sa chairman.
Sa isyu ng veto, sinabi ni Goitia na: “Ang veto ay panangga laban sa mali, hindi espada para patayin ang buong budget.
Hindi pwedeng gawing super-legislator ang Pangulo. Kung basta na lang i-veto ang bilyun-bilyong pisong proyekto nang walang sapat na basehan, magiging abuso iyon at paralisado ang mga komunidad. Ang tunay na lider ay maingat at matalino, hindi pabigla-bigla.”
Tinutulan ni Goitia ang mga panawagang i-impeach ang Pangulo.
Hindi din umano remedyo ang pagbibitiw ng Pangulo.
“Hindi remedyo ng Konstitusyon ang pagbibitiw. Ito’y personal na desisyon, hindi pwedeng ipilit ng mga maiingay na kritiko. Ang tanging legal na paraan ay impeachment o halalan. Lahat ng lampas dito ay kaguluhan at pagyurak sa demokrasya.”
Hustisya naman ang maidudulot ng Independent Commission at hindi panakip, ayon sa chairman.
“May malinaw na kapangyarihan ang Pangulo sa ilalim ng Administrative Code na bumuo ng fact-finding bodies.
Ang layunin nito ay imbestigahan at maglatag ng ebidensyang tatayo sa korte. Ang sabihing ‘iniimbestigahan ang sarili’ ay murang propaganda.
Ang tunay na transparency ay nasa proseso, ebidensya, at istruktura at hindi sa mababaw na sigaw.”
Pinuna ni Goitia ang kasinungalingan ng mga kritiko. “Ang budget ay gawa ng buong Konstitusyonal na proseso. Kongreso ang utak, Ehekutibo ang tagasuri, Hudikatura ang bantay,” sabi niya.

