Batangas

Gov. Vi binigyang pangaral pinakamahusay ng police stations sa Batangas, Calabarzon

313 Views

KASABAY ng isinagawang flag raising ceremony ngayong Martes, ika-11 ng Nobyembre 2025, sa DREAM Zone, Capitol Site, Lungsod ng Batangas, binigyang-rekognisyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Vilma Santos-Recto, ang mga police stations sa Batangas na kabilang sa Top 5 Performing Police Stations sa CALABARZON sa command conference na ginanap noong October 20, 2025.

Sa kategoryang Top Component City Police Stations, itinanghal ang Lipa Component City Police Station bilang Rank 1, Tanauan Component City Police Station bilang Rank 4, at Sto. Tomas Component City Police Station sa Rank 5.

Samantala, sa Class B Category, pumangalawa ang Padre Garcia Municipal Police Station, habang sa Class C Category, nanguna ang Cuenca Municipal Police Station, na sinundan ng Balete Municipal Police Station sa Rank 3 at Sta. Teresita Municipal Police Station sa Rank 5.

Layunin ng pagkilalang ito na bigyang-parangal ang dedikasyon at husay ng mga istasyon ng pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa Lalawigan ng Batangas at buong rehiyon ng CALABARZON.