Phivolcs

`Halos 4k tonelada ng asupre naitala sa Taal

165 Views

NAKAPAGTALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 3,945 tolenda ng asupre mula sa Bulkang Taal noong Sabado.

Sa ulat na inilabas ng PHIVOLCS ngayong Linggo, sinabi nito na patuloy ang pag-angat ng hot volcanic fluid sa main crater ng Taal. Nakapagtala rin ng vog o usok sa paligid ng bulkan.

Wala namang naitalang volcanic earthquake sa bulkan mula Sabado ng umaga hanggang Linggo ng umaga.

Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal island lalo na sa main crater at Daang Kastila fissure.

Ipinagbabawal din ang pagdaan ng eruplano sa bunganga ng bulkan gayundin ang pangingisda sa Taal lake.