Hataman1

Hataman umalma sa pagkatapyas ng 2023 proposed budget ng DPWH

Mar Rodriguez Sep 21, 2022
165 Views

INALMAHAN ng isang Muslim solon ang pagkakatapyas sa 2023 proposed budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na gagamitin sana para sa mga ‘infrastructure projects” partikular na sa Mindanao na matagal ng naghahangad ng pag-unlad.

Sinabi ni Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv Hataman na malaki sana ang maitutulong ng “DPWH infrastructure projects” na nagmumula sa pondo ng ahensiya para makalikha ng maraming trabaho para sa mga mamamayan ng kaniyang lalawigan.

Sa pagsisimula ng Plenary deliberations ng Kamara de Rpresentantes para sa P5.268 trillion proposed national budget para sa taong 2023, itinutulak ni Hataman na maibalik ang increase sa budget ng DPWH matapos itong tapyasan ng P64.8 bilyon.

Sinabi ni Hataman na sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) na isinumite ng pamahalaan sa Kongreso, tinapyasan ang pondo ng DPWH mula sa P717.31 billion proposed budget nito.

Kung saan, mababa ito ng 8.7% kumpara sa budget ng ahensiya noong nakaraang taon na nagkakahalga ng P785.24 billion.

Dahil dito, pinalagan ni Hataman kung bakit tinapyasan ang proposed budget ng DPWH matapos siyang magtanong kay Marikina 2nd Dist. Cong. Stella Luz A. Quimbo, Senior Vice-Chairperson ng House Committee on Appropriations, sa Plenaryo.

Ipinaliwanag naman ni Quimbo sa Mindanao congressman (Hataman) na isa sa mga “guiding principles” sa pagbubuo at pagbabalangkas ng “2023 spending bill” ay ang “economic recovery”.

“Kanina binabanggit niyo yung infrastructure ay multiplier and engine n gating economy. Pero bakit dito sa NEP 2023 nagkaroon ng P68.4 billion slash sa budget ng DPWH? So ang ibig sabihin ba nito, malaki-laki din ang nabawas sa GDP construction ng infrastructure natin,” sabi ni Hataman.