Suspek Pinasalamatan at pinuri ni MPD Chief PBGen.Arnold Santiago ang mga operatiba ng MPD Barbosa Warrant and Subpoena Section at ang mga tauhan ng MDTEU matapos ang matagumpay na pagkakahuli sa suspek. JONJON C. REYES

HELPER KULONG SA KASONG QUALIFIED RAPE (10-COUNTS) SA MARIKINA CITY,.

146 Views

INARESTO ng MPD Barbosa PS 14 at MDTEU ang isang 32-anyos na lalaki dahil sa kasong qualified rape sa Marikina City, Linggo ng madaling araw.

Ang suspek ay naispatan sa kahabaan ng J.P. Rizal St. kanto ng Golden Valley Main Rd., Brgy. Malanday, Marikina City, Linggo ng madaling araw.

Nahaharap ang suspek sa kasong sampung bilang ng qualified rape at nakatala bilang Top 2 Most Wanted Person sa regional level. Siya ay nakilalang si alyas Roy, 32, tubong Davao Oriental,walang asawa, nagtatrabaho bilang helper at kasalukuyang naninirahan sa Sto. Niño, Marikina City.

Ayon sa report na nakarating kay PLTCol. Jolly C, Soriano, hepe ng Barbosa PS 14, dinala ang arestadong akusado sa Jose Reyes Memorial Medical Center para sa pagsusuring medikal bago siya dinala sa himpilan ng pulisya para sa nararapat na dokumentasyon nang alas-3:15 ng madaling-araw.

Ang operasyon ay matagumpay na naisakatuparan ng mga operatiba ng Warrant Section sa pamumuno ni PLt.Bienvenido O Cinco Jr. katuwang ang mga tauhan ng MDTEU sa pamumuno ni PLt. Erico B. Navela.

Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge P. Ma Bajarias-Hermogeno, ng Family Court Branch 6, Lungsod ng Maynila, noong Hulyo 16, 2025, at walang inirekomendang piyansa..

Ipinaliwanag sa akusado ang kalikasan ng kanyang warrant of arrest at ipinaalam ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang Tagalog, ngunit pinili niyang manatiling tahimik. Pansamantala siyang ikinulong sa Barbosa Police Station Custodial Facility habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento bago ibalik ang Warrant of Arrest sa hukumang nag-isyu nito.