Calendar
Higit P1M shabu nakuha sa 3 HVI sa Pasay City
UMABOT sa mahigit P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong high value individuals (HVI), kabilang ang isang babae, sa ginawang operasyon ng pulisya Sabado ng gabi sa Pasay City.
Ayon kay Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco, nalansag ng kanyang mga tauhan ang lokal na distribusyon ng shabu sa southern area ng Kamaynilaan sa pagkakadakip kina alyas “Zenkie”, 28, alyas “Alicia”, 28, at alyas “Ryan”, 41, dakong alas-7;30 ng gabi sa harap ng isang hotel sa Don Carlos Revilla St, Brgy.148 sa isinagawang buy-bust operation.
Nasamsam sa naturang operasyon ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng SPD at Pasay police sa mga suspek ang kabuuang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000, pati na ang markadong salapi na ginamit sa operasyon.
Mahaharap sa mga kasong paglabag sa pagbebenta, pag-iingat, at pagsasabuwatan ang mga suspek sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Pasay City Prosecutor’s Office.
“The interception of more than a million pesos worth of illicit narcotics and the simultaneous arrest of three high-value suppliers represent a significant operational blow to retail-level drug networks in the sector. The Southern Police District remains unyielding in its mandate to clear our streets of dangerous drugs and protect our neighborhoods,” pahayag ni District Director. BGen. Cinco.

