Sotto1 Sina Senate President Vicente Sotto III at Francis Pangilinan sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Justice. Kuha ni JOSEPH MUEGO

Hiling mula Senado: Hustisya dapat makamit, dapat manaig

285 Views

ENSURE that justice will be attained and that justice prevails.”

Ito ang mariing panawagan ng mga legal na eksperto sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Justice kaugnay ng panukalang paglikha ng Independent People’s Commission (IPC), isang bagong ahensya kontra katiwalian na pinangungunahan ni Sen. Francis Kiko Pangilinan bilang chairman ng committee.

Nagkakaisa ang mga ito sa pagsabi na dapat may managot at hindi dapat ipagwalang bahala ang pang aabuso ng mga nasa likod nito.

Ang talakayan ay nauwi sa iba’t ibang suhestiyon at pananaw sa masalimuot na debate ukol sa lawak ng kapangyarihang dapat ibigay sa IPC—kung ito ba ay mananatiling tagapagsiyasat lamang, o kung dapat ba itong bigyan ng kapangyarihang magsampa ng kaso sa korte.

Ayon kay dating Senate President Franklin Drilon, kailangang gumalaw ang IPC sa loob lamang ng mga limitasyon ng Konstitusyon. Aniya, dapat itong manatili bilang fact-finding body at hindi dapat gumanap bilang hukuman o taga-usig. “The power is to investigate, not to adjudicate,” giit ni Drilon. “We must strengthen our institutions of democracy rather than keep on adding bodies.”

Ipinaliwanag niyang ang Ombudsman pa rin ang pangunahing ahensyang dapat humawak ng mga imbestigasyon at prosekusyon ng katiwalian. Binigyang-diin niyang ang paglikha ng panibagong ahensya nang hindi pinapalakas ang kasalukuyang mga institusyon ay maaaring magdulot ng labis na burukrasya at kalituhan. “We strengthen the Ombudsman. For example, I read in the media that the Ombudsman has asked those who applied earlier to apply again—about 200 or so vacancies. So we must strengthen this, because otherwise the tendency of our structure is to keep on adding people so that you create a huge bureaucracy,” dagdag pa niya.

Kaugnay ng isyu ng mag-asawang Discaya na sangkot sa flood control anomaly, sinabi ni Drilon na dapat silang papanagutin sa batas, may kooperasyon man sila o wala.

Hindi naman sumang-ayon si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa naturang pananaw. Giit niya, kailangang magkaroon ng sapat na kapangyarihan ang IPC upang makakilos nang epektibo at mabilis sa harap ng galit ng taumbayan sa mga isyu ng katiwalian sa imprastraktura. “They must have authority to file cases before the proper courts or agency. They must be given that power… to recommend witnesses for witness protection, to request the freezing of assets, and to recommend the preventive suspension of suspects in government agencies,” saad ni Sotto. Dagdag pa niya, “It is not limited to infrastructure. It will include everything that would need investigation of the people in the different sectors of government.”

Samantala, sinang-ayunan ni retired Chief Justice Reynato Puno ang kahalagahan ng pagiging independent ng komisyon, subalit iginiit niyang ito ay dapat pa ring nakaangkla sa disenyo ng Konstitusyon. “The stress is on the word independent,” aniya. “We must ensure legal, financial, and operational autonomy without violating constitutional design.” Dagdag pa niya, “This is an extraordinary time and we need to have extraordinary power.”

Inilahad naman ni Justice Andres Reyes Jr., chairperson ng Independent Commission for Infrastructure (ICI)—ang pansamantalang komisyong nagsilbing modelo ng IPC—ang mga kakulangan sa kanilang operasyon. “We are only 39 days old. For the last 21 days, we only had three lawyers. We don’t have the facility and we don’t have the rules of procedure,” aniya. “How can these people get away with ₱500 billion? We will now go on live stream next week once we get the technical capability.”

Dahil dito, nanawagan ang ilang senador na dagdagan ang pondo at manpower ng IPC upang mapalakas ang kanilang kakayahang magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Ipinunto naman ni dating DPWH Secretary Rogelio “Babes” Singson ang kabagalan ng hustisya pagdating sa mga kaso ng korapsyon. “Bago po may makulong, ang haba ho ng proseso,” aniya.

Gayunpaman, ipinaalala rin niyang may mga umiiral nang batas at mekanismo na puwedeng gamitin agad kung may sapat na koordinasyon. “We can tap other agencies immediately—like the PCC that penalizes bid-rigging up to ₱250 million, or Executive Order 913 that allows immediate hold-departure and seizure of assets,” dagdag pa niya.

Samantala, nanawagan si Makati Business Club Executive Director Rafael “Apa” Ongpin ng mas malawak at konkretong kapangyarihan para sa IPC, kabilang na ang kapangyarihang kumpiskahin ang mga ari-arian ng mga dawit sa katiwalian. “Let’s not pretend there’s no corruption in the Bureau of Customs and the BIR,” ani Ongpin. “The ICI should have judicial, investigative, and even confiscatory powers.” Babala pa niya, posibleng mauwi sa “circus” ang operasyon ng IPC kung hindi ito mahahawakan nang maayos—subalit binigyang-diin niya na “secrecy breeds impunity.”

Mula sa panig ng civil society, inilahad ni Professor Kenneth Abante ng People’s Budget Coalition na may mas malalim na ugat ang isyu—ang sistemang pinagmumulan ng katiwalian sa paglalaan ng pondo ng gobyerno. “Kami po ay grupo ng more than 40 people’s organizations and civil society organizations pushing for a transparent, participatory and accountable budget process,” aniya. “₱1.2 trillion was spent on flood control, but what happened to the rest of the half? The people are angry. The people want justice.” Ayon pa sa kanilang datos, aabot sa ₱828 bilyon ang congressional insertions na isinagawa sa ilalim ng mga programang “convergence and special support,” na anila’y posibleng pagmulan ng patronage at pork barrel.

Sa gitna ng mainit na diskusyon, binanggit ni Sotto ang tungkol sa sunog sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City, na umano’y naglalaman ng mga test records. “I just want to know what is there in the DPWH Quezon City office that was burning a few hours ago?” tanong niya. “I hope it is not arson,” dagdag pa ni Singson. Kinumpirma ni Justice Reyes na “There is 1% for the testing office of the DPWH,” na agad namang nagbunsod ng tanong kung may ebidensyang nasira sa naturang sunog.

Sa huli, nagkasundo ang mga senador na pag-isahin ang kani-kanilang panukala upang makabuo ng legal, matatag, at epektibong bersyon ng Independent People’s Commission.