Calendar
Hiling sa DOE: Mga hakbang upang singil sa kuryente bumaba
NANAWAGAN si Senadora Pia Cayetano sa Department of Energy (DOE) na maglatag ng kongkretong hakbang upang mapababa ang singil sa kuryente, kasabay ng panawagan na mas gawing abot-kaya para sa mga pamilyang Pilipino at maliliit na negosyo.
Ayon kay Cayetano, na pinamumunuan din ang Senate Committee on Energy, madalas niyang marinig sa mga may-ari ng maliliit at katamtamang negosyo sa kaniyang mga biyahe sa bisikleta ang hinaing ukol sa mataas na presyo ng kuryente. “The feedback and the reports from World Bank and the World Economic Forums state that the cost of power is one of the biggest concerns of the industries… since 2019 to 2025, this has not changed,” aniya.
Ipinaliwanag naman ni Energy Secretary Sharon Serag Garin na ang pagtanggal sa 12 porsiyentong value-added tax (VAT) sa kuryente ay makatutulong agad upang mapababa ang singil. Dagdag pa niya, ang unti-unting paglipat sa mas malinis na enerhiya bago sumapit ang 2030 ay maaaring magresulta ng bawas na P1.3 hanggang P3 kada kilowatt-hour.
Binigyang-diin ni Cayetano na ang abot-kayang kuryente ay mahalaga sa pagpapatatag ng negosyo at pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

