sara Pinagmamasdan ni Lakas-CMD Vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte ang mga sewing machine na gamit ng workd class Barong makers sa Pandi, Bulacan. Photo by VER NOVENO

Husay ng barong, gown makers sa Bulacan pinuri ni Mayor Inday

207 Views

PINURI ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang husay ng mga barong at gown maker sa Pandi, Bulacan.

Binisita ni Duterte ang Disenyo Pandi Bagong Barrio kung saan nito nakita ang mga makina at iba pang gamit sa paggawa ng world-class na barong at gown.

Sa kanyang mensahe, binigyan-diin ni Duterte ang kahalagahan na tangkilikin ang mga lokal na produkto.

“Importante po sa atin dito sa Pilipinas na tinatangkilik po natin ang gawa ng Pilipino dahil bumubuhay po ‘yan ng maraming komunidad sa iba’t ibang lugar sa ating bansa,” sabi ni Duterte.

Dumaan din si Duterte sa Sam Bridal Boutique na pagmamay-ari ng 32-anyos na si Samantha Adriano.

Ayon kay Adriano isa siya sa mga masugid na taga-suporta ni Duterte. Kumpiyansa ito na ipagpapatuloy ng vice presidential bet ang nasimulan ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte gaya ng Build, Build, Build program na kailangan sa pagsulong ng ekonomiya.

“Sara Duterte is a leader na walang kinikilingan at walang tinitingnan na estado ng buhay — mahirap man o mayaman,” dagdag pa ni Adriano.