UniTeam Si UniTeam presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running mate Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte sa proclamation rally sa Carmen, North Cotabato. Kuha ni VER NOVENO

Ibang katandem ibinasura ni Mayor Sara

124 Views

IBINASURA ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang nais ng ilan nitong suporter na kanyang iwanan si presidential candidate Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Duterte nagpapasalamat ito sa mga sumusuporta sa kanya subalit hindi umano niya mapagbibigyan ang nais ng mga ito na talikuran si Marcos.

Nanawagan din si Duterte sa mga ito na sumama at sumuporta sa UniTeam nila ni Marcos.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga kaibigan at supporters sa suporta nila sa aking candidacy, and I continue to call on everyone na suportahan ang UniTeam ni Bongbong Marcos,” sabi ni Duterte.

Patuloy din umanong iginagalang ni Duterte ang desisyon ng kanyang mga kaibigan at suporter kung sino ang kanilang susuportahan.

Samantala, sinabi ni Duterte na patuloy na ikakalat ng UniTeam ang kanilang panawagan na magkaisa alang-alang sa bansa.

“Ang UniTeam, we continue to campaign sa lahat ng areas ng ating bansa and we continue to reach, try to make, we continue to make the message of unity…Patuloy namin na ikinakampanya ang mensahe ng pagkakaisa sa buong bansa,” sabi pa ni Duterte.