IT firm nanakawan ng pera, gadgets, baril

Bernard Galang Apr 13, 2026
66 Views

ZARAGOZA, Nueva Ecija–Ninakawan ang malaking information and communication technology (ICT) company sa bayang ito at natangay ang pera, iphones at baril kamakailan.

Naganap ang nakawan sa pasilidad ng Converge ICT sa Brgy. San Isidro at naharbat ang humigit-kumulang P33,000 cash, dalawang Oppo touchscreen mobile phones na nasa P14,000 at isang 9mm pistol.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jess Mendez, ini-report ni Rosario Matas, 43, ang pagnanakaw at kinilala naman ang biktima na si Glory Joyce Paclarin, 27, supervisor ng Converge ICT.

Nakapasok ang mga suspek sa establisimyento matapos sirain ang bintana ng comfort room sa likurang bahagi ng gusali at tumakas patungo sa hindi malamang direksyon matapos ang pagnanakaw.