PCSO

Jackpot ng Grand Lotto ngayong Hulyo 4 posibleng umabot sa P335M

Arlene Rivera Jul 4, 2022
115 Views

WALANG tumama sa P320 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola noong Sabado ng gabi.

At sa bola ngayong Lunes, Hulyo 4, ay maaari umanong umabot ang premyo sa P335 milyon, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa bola noong Sabado sinabi ng PCSO na walang nakakuha sa winning number combination na 13-31-41-35-09-25.

Nanalo ng tig-P100,000 ang 56 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero.

Tig-P1,500 naman ang tinamaan ng 3,260 mananaya na nakaapat na numero at tig-P60 ang 65,897 mananaya na nakatatlong numero.