Laudiangco

Voter registration muling bubuksan ng Comelec

138 Views

MULING bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagrerehistro sa mga botante na nais makaboto sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre.

Ang pagrerehistro ay gagawin mula Hulyo 4 hanggang 23 lamang, ayon kay Atty. John Rex Laudiangco, spokesman ng Comelec.

Bukas umano ang mga tanggapan ng Comelec mula alas-8 ng umaga hanggang 5 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado kasama ng holiday.

Ang mga edad 15 na sa Disyembre 5 ay maaari ng magparehistro upang makaboto sa SK elections.

Ang mga edad 18 na sa Disyembre 5 ay maaari namang bumoto sa barangay elections.