Posas

Jowang AFAM nanenokan ng 26-anyos na bebot

172 Views

ARESTADO ang isang 26-anyos na babae matapos pagnakawan noong Enero 18 ng mga mamahaling gamit ang isang Amerikano o AFAM (a foreigner assigned in Manila) na nakilala niya lang sa online dating app.

Nadiskubre ng 34-anyos na complainant bandang alas-7:30 ng gabi na nawawala na ang mga gadget, alahas at pera niya sa kayang condo unit.

Nagkakilala umano ang complainant at ang 26-anyos na suspek sa isang dating app at nagkaroon ng relasyon.

Magkasamang nagbakasyon ang dalawa sa La Union noong Enero 15, 2026.

Bandang alas-11:00 ng umaga noong Enero 17, habang natutulog ang complainant, umalis umano ang suspek at dinala ang bag na naglalaman ng kanyang mga cellphone at iba pang gamit.

Ang insidente ay ini-report sa San Juan Municipal Police Station sa La Union.

Nadiskubre rin ng biktima ang pagkawala ng kanyang iPad 9th Generation at isang diamond at gold necklace pagbalik niya sa condominium unit niya sa Quezon City kaya nagsumbong siya sa Eastwood Police Station (PS-12, QCPD).

Sa tulong ng “Find My iPhone,” natunton ng mga awtoridad ang lokasyon ng isa sa mga cellphone sa Rodriguez, Rizal.

Noong Enero 19, 2026, bandang 2:30 ng hapon, inaresto ng mga pulis ang suspek sa isang mall sa Montalban, Rizal, matapos itong pumayag na makipagkita sa complainant.

Narekober mula sa suspek ang isang iPhone 15 Pro Max, isang SHEIN parcel, P5,500 cash, RCBC debit card, at isang Navy Federal Credit Union card.

Hindi pa nababawi ang isang cellphone, iPad, alahas at pera na na-withdraw sa ATM.