Eje

Kababaihan libre sakay sa MRT-3

Jun I Legaspi Mar 7, 2022
432 Views

BILANG pagdiriwang ng National Women’s Day, magbibigay ng libreng sakay ang Metro Rail Transit- 3 (MRT-3) sa Marso 8.

Walang babayarang pamasahe ang mga kababaihan na sasakay mula alas-7 hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Ayon kay MRT-3 OIC-General Manager Asec. Eymard Eje, ang libreng sakay para sa mga kababaihan ay pagkilala sa kanilang natatangi at hindi matatawarang kontribusyon sa lipunan.

“Kaisa po ng buong bansa ang pamunuan ng MRT-3 sa pagdiriwang at pagsaludo sa dedikasyon, galing, at puso ng bawat kababaihang Pilipino. Nawa sa simpleng paraan tulad ng aming libreng sakay ay makapaghatid tayo ng kasiyahan sa ating mga kababaihan sa kanilang espesyal na araw,” sabi ni Asec. Eje.