Calendar
Kahalagahan ng mga nagtapos sa IMPACT 2026! binigyang diin



WASHINGTON, D.C. — Ang Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos ay hinimok ang mga nagtapos sa 2026 IMPACT! Intern Cohort na pagtibayin ang pamumuno at isulong ang kapakanan ng komunidad ng mga Filipino-American.
Isinagawa ang seremonya kamakailan sa pakikipagtulungan ng US-Asia Institute (USAI) upang pormal na ipagdiwang ang pagtatapos ng summer internship ng mga kabataan sa Kongreso ng Estados Unidos.
Sa kanyang pambungad na pananalita, sinabi ni Chargé d’Affaires Felipe F. Cariño III na layunin ng programa na linangin ang husay ng mga batang Fil-Am bilang tulay sa ugnayang Pilipinas at Amerika.
Binati rin ni USAI Vice Chairman Ben Wu ang mga intern para sa kanilang dedikasyon at pinaalalahanan sila sa kahalagahan ng kanilang boses sa politika at gawaing sibiko.
Binubuo ang 2026 IMPACT! Cohort ng apat na natatanging mag-aaral na sina Margaret Jane Piatos (University of Virginia) Jasmine Lianalyn Rocha (Columbia University) Reece Roach (University of California, Berkeley) Spencer Smith (Yale University)
Inilunsad noong 2020, ang IMPACT 2026 program ay nagbibigay ng mentorship, networking, at internship placements sa Capitol Hill para sa mga Fil-Am na nagnanais pumasok sa larangan ng pampublikong paglilingkod.

