Madrona

Kailangan ng Kamara lider na gaya ni Romualdez — Madrona

Mar Rodriguez Jul 27, 2025
299 Views

ANG kailangan nating lider sa Kamara ay nagta-trabaho. Hindi basta salita. Kailangang may gawa at malasakit”.

Ito ang ipinahayag ni Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ng Nacionalista Party (NP) matapos tiyakin ng beteranong mambabatas ang kaniyang buong suporta para kay reelected Leyte Representative Ferdinand Martin Gomez Romualdez bilang House Speaker ng 20th Congress.

Inilarawan ni Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, si Romualdez bilang pinakamahusay na lider ng Kamara de Representantes sapagkat hindi aniya matatawaran ang mga naging achievements at accomplishments ng Kongreso noong 19th Congress sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez.

Ayon sa kongresista, hindi maisasantabi ang tinawag nitong “dependable leadership, institutional integrity at unwavering commitment” ni Romualdez bilang House Speaker noong nakalipas na 19th Congress partikular na ang naging paglilingkod nito para sa buong sambayanang Pilipino.

Dahil dito, sinabi ni Madrona na suportado nito ang isang liderato na subok na at maaasahan. Kung saan, naipakita aniya ni Romualdez ang isang responsableng pamamahala at pinangunahan ang Kamara sa mga kritikal na pagkakataon.

Nagpahayag din ng paghanga si Madrona para kay Romualdez sapagkat lagi umano nitong isinasa-alang alang ang kapakanan ng mamamayang Pilipino kung saan ibinilin sa kanila ng Leyte solon (Rep. Martin Romualdez) na kailangan nilang gawing priodad ang pagsisilbi sa interes ng mamamayan.

“Suportado natin ang lideratong subok at maaasahan. Speaker Martin has always shown steady, inclusive and responsive leadership. He led the House during some of the most critical moments of the 19th Congress and consistently proved that his guiding principle is simple: support what is good for the country, protect the institution and always prioritize the people’s welfare,” ani Madrona.

Pagbibigay diin pa ng kongresista na nakuha din ni Romualdez ang tiwala o “trust and confidence” ng lahat ng mambabatas sa Kamara de Representantes dahil sa pagsusulong nito ng unity sa loob ng Mababang Kapulungan magkakaiba man ang kinabibilangang partido politikal ng mga kongresista.

“Under his leadership. The House passed landmark legislation and maintained a very productive working relationship with the Executive Branch. All while staying true to our constitutional mandate, that kind of leadership is both rare and essential,” sabi pa ni Madrona.