Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Kamara sasaklolo sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Mar Rodriguez Nov 18, 2023
186 Views

Makikipag-ugnayan ang Kamara de Representantes sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang makapagpa-abot ng tulong sa mga biktima ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Mindanao noong Biyernes.

Sa isang pahayag, iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan na matiyak ang kaligtasan ng mga apektado ng lindol.

“Prioritizing the safety and welfare of our citizens is essential. My office is actively coordinating with key agencies, including Phivolcs and the NDRRMC, to facilitate prompt and effective response actions,” ani Speaker Romualdez.

“We are keeping our kababayans in the impacted areas in our thoughts and prayers as they face this difficult situation,” dagdag pa nito.

Nangako rin si Speaker Romualdez ng suporta sa mga ahensya ng gobyerno upang magkaroon ang mga ito ng kinakailangang pondo para sa relief and rehabilitation ng mga apektadong komunidad.

“This is a moment for all Filipinos to unite and show our collective strength. Your kindness and aid are crucial in helping those affected by this calamity,” sabi pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

“To our brothers and sisters in Mindanao, you are not facing this alone. Your resilience and strength are an inspiration to us, and we stand with you. Together, we will rebuild and come out of this stronger than ever,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.