Calendar
Kamatayan para sa kasong plunder itinutulak
NAGHAIN si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ng panukalang batas na naglalayong ibalik ang parusang kamatayan para sa krimeng plunder sa gitna ng mga ulat ng matinding korapsyon sa mga flood control projects ng gobyerno.
Sa Senate Bill No. 1343, sinabi ni Sen. Bato na ang plunder ay isang “selective and selfish pleasure derived from collective pain,” at binigyang-diin na dapat managot ang mga tiwaling opisyal na sangkot.
“The greedy few, simply, must pay with their lives,” ayon pa sa kanya.
Ibinunyag ng Department of Finance na ang katiwalian sa mga proyekto mula 2023 hanggang 2025 ay nagkakahalaga ng P42.3 bilyon hanggang P118.5 bilyon. Katumbas ito ng pondong maaaring lumikha ng 266,000 na trabaho.
Nauna ring isinapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na 15 kontratista ang kumubra ng halos 20% ng P545 bilyong flood control budget mula pa noong Hulyo 2022.
May mga paratang ding isang politiko ang kumikita ng hanggang 30% mula sa bawat proyekto bukod pa sa mga kasabwat umanong engineer, auditor at procurement officer.
“Yesterday, I filed SBN 1343, an act reimposing death penalty for the crime of plunder. Tingnan natin sino ang haharang nito. I move for the swift passage of this law. Taongbayan, please second my motion!!!”

