Gas

Gas, krudo, gaas tataas na naman

Edd Reyes Sep 5, 2025
298 Views

TATAAS na naman ang gasolina ng P1 kada litro, diesel ng P1.40/litro at 80 sentimos sa kerosene, ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau.

Ilan sa mga nakikitang dahilan sa pagtaas ni DoE-OIMB Assistant Director Rodela Romero ang napipintong pagmamahal sa presyo ng langis sa world market bunga ng pagpapataw ng parusa ng Estados Unidos sa kita sa langis ng Iran pati ang pinaigting na pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Nasisilip din ng DOE ang pagpapatigil ng Saudi Aramco at Iraq ng pag-export ng langis sa refinery ng India.

Kadalasang nag-aanunsiyo ang mga kompanya ng langis ng panibagong paggalaw sa presyo tuwing Lunes na ipinatutupad kinabukasa, kinabukasan ng Martes.