Accident Source: Tupi Municipal Police Station

Karmbola ng 3 sasakyan; 3 patay, 2 nasaktan

Zaida Delos Reyes Apr 19, 2024
42 Views

TATLONG tao ang nasawi habang dalawa ang nasugatan sa salpukan ng tatlong sasakyan Huwebes ng madaling araw sa Tupi, South Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ralph Anthony Zabala, 35, at Hernando Carl Cortez, 26, pawang mga pasahero ng kulay itim na pick-up truck at Louzel DefiΓ±o, 40, driver ng kulay pulang Kia Bongo light truck na kargado ng isda.

Batay sa ulat ng Tupi Municipal Police Station naganap ang aksidente dakong 4:50 a.m. sa isang bahagi ng General Santos- Koronadal highway sa barangay Polonuling sa bahay ng Tupi.

Binabaybay ng Mazda pick-up truck ang kalsada mula Heneral Santos nang bigla itong ma-overtake sa sinusundang trailer truck dahilan upang sumalpok ito sa kasalubong na bongo truck na mula naman sa Koronadal City.

Dahil sa mabilis na takbo ng pick-up truck ay nasagi nito ang likod na bahagi ng trailer truck dahilan upang mawalan din ito ng kontrol sa manibela.

Sa lakas ng impact ng banggaan dead on the spot ang tatlong biktima habang sugatan naman ang dalawa pang pasahero ng Bongo truck.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.