Calendar
Kelot pinagbabaril sa Quezon City, dedbol
TIGOK ang 29-anyos na lalaki na pinagbabaril ng hindi nakikilala at nakaeskerdang suspek sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City noong Sabado.
Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Police Station 14, naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng gabi malapit sa bahay ng biktima sa Area 6B, Nawasa Line, Brgy. Holy Spirit.
Ayon sa kapatid ng biktima, nasa loob sila ng bahay nang lumabas ang biktima at makalipas ang ilang minuto ay nakarinig na siya ng apat na putok ng baril.
Nang tingnan niya, nakita niya ang kanyang kapatid na nakahandusay sa lupa at duguan dahil sa mga tama ng bala.
Isinugod ng saksi ang biktima sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ngunit hindi na ito naisalba ng mga doktor.
Patuloy ang follow-up operation at imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nakatakas na suspek.

