Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Kolehiyala natagpuang nakabigti

161 Views

NATAGPUANG nakabigti ang 20-anyos na kolehiyala sa kanilang bahay sa Quezon City noong Miyerkules.

Sa report ng Criminal Investigation and Detetion Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-8:00 ng umaga nang matagpuan ang nakabigting biktima sa loob ng kaniyang silid sa Quezon City

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg George Caculba, lumilitaw na ang pamilya ng biktima nakararanas ng problema sa pananalapi dahilan upang hindi mabayaran ang matrikula ng anak sa kolehiyo.

Nabatid na pinuntahan ng ina ang biktima para yayain mag-almusal pero ilang minuto na itong kumakatok hindi siya pinagubuksan.

Dahil dito, kinuha ng ina ang duplicate na susi at nang mabuksan ang pinto bumungad sa kaniya ang nakabigting anak.