Impeachment

Kredibilidad ng Senado maaaring masira kapag di tugunan impeachment vs VP Sara

NANAWAGAN si dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa Senado at kapwa mga senador na hayaang umusad ang impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte nang ayon sa proseso ng batas.

Ipinunto niya na ang Senado ang siyang itiinuturing na huling bastonero lalaban para sa demokrasya at ang integridad nito ay mahalaga.

Sa isang media briefing, ipinunto ni Zubiri na ang impeachment ay isang mahalagang legal na hakbang na hindi dapat balewalain o basta na lamang isantabi.

“The process has to move forward. It has to be presented by them,” aniya, tinutukoy ang House of Representatives na siyang unang humahawak ng mga reklamong impeachment.

Ayon kay Zubiri, malinaw sa 1987 Constitution na ang mga reklamong impeachment ay dapat agad ipadala sa Senado para sa pagdinig. “Wala naman nakalagay sa Constitution na puwede itong i-dismiss agad,” giit niya. “The Constitution says ‘forthwith transmit’—it does not say ‘withhold or block.’”

Iginiit niyang hindi dapat hadlangan ang proseso ng batas dahil lamang sa pulitikal na pagkiling.

“If you’re pro-Sara—if you support Sara Duterte—then vote against the impeachment,” dagdag niya. “But let the process unfold. That’s what a constitutional democracy demands.”

Binigyang-diin din niya na ang pagtangging tugunan ang impeachment complaint ay maaaring makasira sa kredibilidad ng Senado at lumabag sa kanilang sinumpaang tungkulin.

“We violate our oath of office when we say we will defend and protect the Constitution, and then refuse to follow it,” aniya.

Sa huli, nanawagan si Zubiri sa mga mambabatas na pairalin ang integridad: igalang ang proseso, talakayin ang isyu, at hayaang ang mga institusyon—hindi ang pulitika—ang magpasya kung ano ang nararapat.