Calendar
Laguna magtatayo ng mega clinic
ISINUSULONG ni Gob. Sol Aragones ang pagtatayo ng limang palapag na mega clinic sa Laguna na popondohan sa pamamagitan ng pag-utang sa bangko.
Bilang one-stop healthcare hub, pagsasama-samahin ng pasilidad ang iba’t- ibang serbisyong pangkalusugan mula sa pangangalaga sa mga ina at bagong silang na sanggol hanggang sa paggamot sa kanser, serbisyong pangkaisipan, pangangalaga sa mata at rehabilitasyon sa iisang gusali.
Layunin ng mega clinic na gawing abot-kamay at mas madali ang akses ng mga Lagunense sa dekalidad na serbisyong medikal.
Sa unang palapag ilalagay ang birthing clinic, mga labor at delivery room, postnatal room, pasilidad para sa neonatal surgery at isang family lounge.
Ang ikalawang palapag nakalaan para sa mga serbisyong may kaugnayan sa kanser at sakit sa bato, kabilang ang chemotherapy center, dialysis center, infusion bays, oncology clinics, botika at iba pang supportive care facilities.
