Calendar
Kinilala ni Police Lt. Col. Arwen Nacional ang suspek matapos matimbog dahil sa mga homemade dynamite sa Bien Unido, Bohol. JONJON C. REYES
Provincial
Dinamita nakuha sa naarestong mangingisda
Jon-jon Reyes
Jun 15, 2026
251
Views
ARESTADO ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit at Bohol Police Provincial Office ang mangingisdang sangkot sa paggawa ng mga dinamita sa Purok 7, Brgy. Hingotanan East, Bien Unido, Bohol noong Biyernes.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, chief ng PDEU, ang suspek na si alyas Dondi, 43, na nahuli bandang alas-5:35 ng umaga.
Sa pangunguna ni P/Lt. Nouvelle Paderna kasama ang mga tauhan ng PMFC Bohol at Bien Unido police, tiklo ang suspek dahil sa mga homemade dynamites.
Nakumpiska sa suspek ang 3 dynamite Explosive na may sangkap na ammonium nitrate at may timbang na 10.5 kilograms at nagkakahalaga ng P8,400.
Ang naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1866.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

