Airport

Commercial flights sa GenSan airport meron na uli

Jun I Legaspi Jun 15, 2026
31 Views

BUKAS na para sa lahat ng commercial flights noong Lunes ang General Santos Airport isang linggo matapos isara dahil sa malakas na lindol sa Mindanao.

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation at Civil Aviation Authority of the Philippines na bilisan ang pagkukumpuni sa paliparan para hindi na maantala ang biyahe ng mga pasahero.

Ipinangako rin ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na matatapos ang repair works sa GenSan Airport sa loob ng isang linggo.

“Bilin sa atin ng Pangulo na dapat hindi patagalin itong tigil-operasyon ng airport dahil alam nating malaking abala ito sa mga pasahero.

Ngayon, tapos na ang safety assessment at masisiguro nating ligtas ng makakabiyahe ang mga pasahero mula rito sa GenSan,” ayon kay Secretary Lopez.