Calendar
Laguna matiwasay dahil kampanya kontra krimen tagumpay
STA. Cruz, LAGUNA – Maayos ang sitwasyon dahil sa pakikipagtulungan ng mga pulis at lokal na pamahalaan sa Laguna, ayon kay Laguna police director P/Col. Sandro DC Tafalla.
Tagumpay ang Laguna police sa nakalipas na mga buwan dahil sa kampanya laban sa illegal gambling, pagdakip sa mga wanted persons at pagkumpiska ng mga loose firearms.
Ang mga tagumpay na ito ay bunga ng dedikasyon ng mga kapulisan at ng matibay na suporta ng iba’t-ibang sektor ng lipunan.
Ang mga positibong resulta ng operasyon ng Laguna police ay hindi lamang tagumpay ng pulisya kundi tagumpay ng buong lalawigan.
Patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa at aktibong partisipasyon ng komunidad, mas nagiging epektibo ang pagpapatupad ng mga programa para sa seguridad at kaayusan.
Pinuri ng provincial director ang mga pulis at partner agencies na patuloy na nagsasagawa ng mga hakbang upang mapanatiling ligtas ang mga komunidad sa Laguna.
Nagpasalamat din si Tafalla sa provincial government ng Laguna sa pamumuno ni Gob. Sol Aragones, mga local government units at iba pang stakeholder sa kanilang walang sawang suporta sa mga programa ng kapulisan.
Hinikayat ni Tafalla ang lahat na ipagpatuloy ang pakikiisa sa mga programa para sa kapayapaan at kaayusan.

