Calendar
Laguna nagdaos ng CDWs Week
IPINAGDIWANG sa Laguna ang Child Development Workers (CDWs) Week 2026 noong Miyerkules sa Laguna sports complex para kilalanin ang papel ng mga tagapangalaga ng mga bata.
May temang: “Mga Child Development Workers, Haligi ng Maagang Edukasyon, Gabay sa Matatag na Kinabukasan ng Kabataan” ang event.
Pinangunahan ng Laguna Child Development Workers Federation ang programa na dinaluhan ng mga child development workers mula sa iba’t-ibang lugar ng lalawigan.
Layunin ng pagtitipon na bigyang pagkilala ang kanilang dedikasyon, malasakit at serbisyo sa pagpapatupad ng mga programang pang-maagang pag-unlad ng bata.
Sa ngalan ni Gov. Sol Aragones, naghatid ng mensahe si dating Luisiana Vice Mayor Luibic Jacob at ipinaabot ang pasasalamat sa mga Child Development Workers sa buong Laguna.
Binigyang-diin ng mensahe ang pagkilala ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang mahalagang ambag sa pagbuo ng isang maayos at child friendly na lalawigan.

