Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Nakaw

Lalaki nagnakaw ng baterya ng kotse, binoga, utas

333 Views

TODAS noong Martes ang lalaking sakay ng motorsiklo matapos pagbabarilin ng dalawang suspek dahil umano sa pagnanakaw ng baterya ng sasakyan sa Brgy. San Miguel, Sto. Tomas City, Batangas

Kinilala ang biktima na si alyas Jeff, 26, habang ang isa sa mga suspek na si alyas Elias, 33, nahuli ng mga rumespondeng pulis.

Batay sa pahayag ng saksi, nagmamaneho ng motor ang biktima na may angkas nang biglang lumitaw ang dalawang suspek at pinagbabaril ang biktima.

Tumakas ang mga suspek patungo sa hindi alam na direksyon pero kinilala ng saksi ang dalawang suspek kaya nahuli ng mga pulis ang isa dito.

Bago ang insidente ng pamamaril, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at suspek tungkol sa ninakaw na baterya ng truck.