Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Provincial
Lalaki patay sa ambush
Bernard Galang
Apr 18, 2026
317
Views
SAN MIGUEL, Bulacan–Patay ang 54-anyos na lalaki na tinambangan ng hindi pa nakikilalang mga armadong salarin sa masukal na bahagi ng Sitio Madlum, Brgy. Sibul ng lugar na ito noong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Alvin Vertudaso, ayon kay PRO-3 director Brig. Gen. Jess Mendez.
Batay sa paunang impormasyon, sinisiyasat umano ng biktima ang kanyang coal-making operation nang biglang sumulpot ang tatlong armadong lalaki at pinagbabaril siya.
Ayon sa isang kapitbahay, humigit-kumulang walong putok ng baril ang narinig niya.
Rumesponde ang mga tauhan ng San Miguel police at nadatnan ang biktima na wala ng buhay at maraming tama ng bala sa ulo at katawan.
Matapos ang pag-atake, tumakas ang mga suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon.
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
