Calendar
Kinilala ni PLt. Col. Bryan Sagayadoro, station commander ng MPD-Sampaloc PS4, ang suspek na natimbog sa G. Tuazon St., Brgy. 422, Sampaloc, Manila.
Lalaking suspek sa paglabag sa anti-hazing act huli
INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4 ang lalaki dahil sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018 sa G. Tuazon St., Brgy. 422, Sampaloc, Manila noong Huwebes.
Nakilala ang suspek na si alyas Fred, 26, ayon kay Police Lieutenant Colonel Bryan Sagayadoro, station commander ng MPD-PS4.
Nahuli ang suspek bandang alas-11:30 ng umaga sa pamumuno ni PMaj. Richard Mansibang bitbit ang warrant of arrest para sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018.
Walang inirekomendang piyansa si Judge Catherine Pespes Manodon, Presiding Judge ng RTC Branch 104, Quezon City.
Gumamit ang mga arresting officer ng alternatibong kagamitang pang-rekord habang isinasagawa ang operasyon.
Inihahanda na ang mga dokumento bago ibalik sa pinanggalingang korte ang warrant of arrest at ang akusado ay nakadetine sa custodial facility ng Sampaloc police station.

