Calendar
Legal na paggamit ng medical cannabis may pag-asa na maisabatas
KUMPIYANSA si Camarines Sur Gov. LRay Villafuerte na may pag-asa na maisabatas ngayong 20th Congress ang panukala na naglalayong gawing legal ang paggamit ng medical cannabis na makakatulong sa maraming pasyente.
Si Villafuerte, na pangunahing may-akda ng panukala sa nakalipas na tatlong magkakasunod na Kongreso, ay nagpahayag ng kumpiyansa matapos muling ihain ni Sen. Robinhood Padilla ang kanyang bersyon ng medical cannabis bill bilang isa sa kanyang 10 priority measures nang magbukas ang 20th Congress.
“With Sen. Robin (Padilla) refiling his version of this measure, I have high hopes that the medical cannabis bill has a shot this time around at getting finally ratified by the 20th Congress and then signed into law by President Marcos,” ani Villafuerte.
Naipasa na ng Kamara ang House Bill (HB) No. 10439 noong 2024, subalit ang katumbas na panukala sa Senado—Committee Report No. 210 sa Senate Bill (SB) 2573 na nilagdaan ni Padilla at labindalawang iba pang senador—ay hindi nausad sa plenaryo bago ang sine die adjournment ng ika-19 na Kongreso.
“The hoped-for enactment of a law legalizing the use of CBD or cannabidiol (cannabis oil) exclusively for medical or therapeutic purposes will allow Filipinos suffering from cancer and other severe ailments to use the non-addictive strain of the marijuana (cannabis) plant as a legal alternative and relatively more affordable pain reliever for Filipinos hurting from debilitating medical conditions as listed by the DOH (Department of Health),” paliwanag niya.
Kabilang sa mga “debilitating medical conditions” na maaaring gamutin gamit ang CBD ayon sa DOH ay cancer, multiple sclerosis, damage to the nervous system, glaucoma, HIV/AIDS, PTSD, at rheumatoid arthritis, bukod sa iba pa.
Umaasa si Villafuerte na ang pagkilala ng United Nations noong nakaraang taon sa medicinal value ng CBD ay makatutulong upang maisulong ang panukala sa Senado.
Bilang pangunahing may-akda ng HB 10439, sinabi niyang “hopeful, too, that senators including the new batch of Senate members would likewise give weight to the fact that medical cannabis has been legalized already in 60 countries, and that its medicinal value has been affirmed in medical journals of various prominent global institutions.”
Di tulad ng mga nagdaang Kongreso, kung saan hindi umusad ang medical cannabis bill lampas sa committee level, ang panukala ni Padilla ay nilagdaan ng 13 senador bilang CR No. 210 at inirekomenda para sa plenary deliberation.
Ipinaliwanag din ni Villafuerte na matagal na niyang itinutulak ang legalisasyon ng CBD simula pa noong ika-17 Kongreso dahil ito ay non-addictive at naiiba sa THC o tetrahydrocannabinol, na siyang sangkap ng marijuana na nakaaapekto sa pag-iisip at nagbibigay ng “high.”
“Because CBD has been proven to be non-addictive, it is safe for use by qualified patients as a painkiller or relaxant to alleviate their agonizing conditions like migraines, epilepsy, auto-immune diseases, multiple sclerosis and end-stage cancer,” ani Villafuerte.
Naipasa na sa third and final reading ng Kamara ang kanyang panukala noong ika-17 Kongreso, at umabot sa technical working group (TWG) ng komite sa ika-18 Kongreso. Ngunit sa parehong pagkakataon, hindi ito nakausad sa kakulangan ng katumbas na panukala sa Senado.
Idinagdag ni Villafuerte na noong Disyembre 2020, muling inuri ng UN Commission on Narcotic Drugs (CND) ang medical cannabis bilang hindi na kabilang sa parehong kategorya ng heroin at fentanyl.
Binanggit din ni Villafuerte ang mga journal tulad ng Harvard Health, National Academy of Sciences, Journal of the American Medical Association (JAMA), American Academy of Neurology (AAN), at British Journal of Clinical Pharmacology (BJCP) na nagpapatunay sa therapeutic benefits ng medical cannabis tulad ng:
– Pagbawas sa nausea at pagsusuka ng mga pasyenteng sumasailalim sa chemotherapy
– Pagpapalakas ng gana sa pagkain
– Pagbawas ng spasticity symptoms sa multiple sclerosis patients
Ang desisyon ng UN CND ay nakabatay sa rekomendasyon ng 41st Expert Committee on Drug Dependence (ECDD) ng World Health Organization (WHO), na nagsabing walang abuse potential o tendency to cause dependence ang CBD sa mga tao.
Parehong HB 10439 at SB 2573 ang naglalaman ng probisyon para sa paglikha ng isang Medical Cannabis Office (MCO) na siyang mangangasiwa sa lisensya at paggamit ng CBD para sa medikal na layunin.
Nilinaw ni Villafuerte na sa ilalim ng panukala, CBD lamang ang legalisado habang ang marijuana plant ay mananatiling kabilang sa listahan ng dangerous drugs ng Dangerous Drugs Board (DDB) alinsunod sa Republic Act No. 9615.
Aniya, kinilala na rin ng US FDA ang ilang gamot na may sangkap na cannabis tulad ng Epidiolex, Sativex, Sinemet at Marinol.

